Home NATIONWIDE 3 indibidwal na sangkot sa human trafficking sa Cambodia, arestado ng NBI

3 indibidwal na sangkot sa human trafficking sa Cambodia, arestado ng NBI

232
0

MANILA, Philippines – Tatlong indibidwal na responsable umano sa human trafficking sa 27 katao na iligal na ipadadala sa Cambodia upang magtrabaho sa POGO hub ang inaresto ng National Bureau of Investigation (NBI).

Ayon sa ulat na isinumite kay NBI Director Jaime Santiago, kinilala ang mga inaresto na sina alyas “Hashim”, “Asanuddin”, “Halon” na lumabag sa Republic Act 9208, na inamyendahan ng 10364 at RA 11862 (Expanded-Anti Trafficking in Persons Act of 2022); RA 8042 (Migrant Workers and Overseas Filipinos Act of 1995).

Nag-ugat ang operasyon nang makatanggap ng reklamo ang NBI kaugnay sa iligal na aktibidad ng isang grupo na recruiters sa online messaging platforms, at ang mga biktima ay ibinibiyahe palabas ng bansa sa pamamagitan ng backdoor.

Ayon sa isang complainant, narecruit siya sa pamamagitan ng Telegram para magtrabaho umano sa POGO hub sa Cambodia.

Siya ay binigyan ng instruksyon na magtungo sa Manila, patungo sa Zamboanga, Tawi-tawi, tatawid ng Malaysia bago sa destinasyon sa Cambodia. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here