Home METRO 3 kidnaper pinulbos sa engkwentro sa Zambo

3 kidnaper pinulbos sa engkwentro sa Zambo

ZAMBOANGA CITY – Tatlong kidnapper ang napatay sa engkwentro sa Barangay Salipyasin, Kabasalan, Zamboanga Sibugay madaling-araw nitong Martes, Nob 12.

Kinilala ang isa sa mga suspek na si Murid Ahod, ang ikawalong most wanted personality sa Zamboanga Sibugay at suspek sa Kabasalan massacre noong 2015 at 2016. Pinaghahanap din siya dahil sa pangingikil at pagnanakaw.

Kinilala ang dalawa pang suspek na sina Abdul Sahibad at Fahad Sahibad.

Inilunsad ang operasyon sa tulong ng MILF at MNLF at sa kooperasyon ng local government units ng Naga at Kabasalan.

Sinabi ng mga mapagkukunan ng militar na ang operasyon ng pagpapatupad ng batas ay resulta ng impormasyon na nakuha mula sa mga tipster. RNT