Alas-10:00 ng umaga nitong Miyerkules, namataan ang Bagyong Ofel sa layong 610 km silangan ng Infanta, Quezon, taglay ang lakas ng hanging aabot sa 120 kph at pagbugsong aabot sa 150 kph. Kumikilos ito pakanluran hilagang-kanluran sa bilis na 20 kph.
Maaaring lumakas pa ang Bagyong Ofel at maglandfall sa Cagayan o Isabela Huwebes ng hapon sa peak intensity.
Magdadala ito ng mapanirang hangin, malalakas na ulan, at storm surge sa pagdaan nito sa Northern Luzon.
Inaasahan ang malaking pinsala, pagbaha, at pagguho ng lupa. RNT