MANILA, Philippines- Nasabat ng mga pulis ang P7,956,000 halaga ng shabu mula sa tatlong high-value drug suspects sa isang buy-bust operation sa San Lorenzo Ruiz, Barangay 185, Caloocan City.
Kinilala ng mga pulis ang suspek na sina “Tomboy,” 24; “Meng,” 31; at “Halem,” 18.
Nagsagawa ang mga operatiba ng Caloocan City Police Station (CCPS), Northern Police District – Drug Enforcement Unit (NPD-DEU), at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ng operasyon dakong alas-12:10 ng madaling araw nitong Huwebes sa No. 1057 San Lorenzo Ruiz, Brgy. 185.
Nakumpiska ng mga awtoridad ang 1,170 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P7,956,000 at digital weighing scale.
Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 (The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002), base sa mga pulis. RNT/SA