Home METRO 3 LGU employees timbog sa ‘pagnenok’ ng gas

3 LGU employees timbog sa ‘pagnenok’ ng gas

TALAVERA, Nueva Ecija- Arestado ang tatlong local government unit employees dahil sa umano’y pagnanakaw ng gasolina nitong Linggo.

Sinabi ni Police Col. Richard V. Caballero, Nueva Ecija police chief, na nadakip ng lokal na awtoridad ang mga suspek sa Atlanta Fuel Gas Station sa Barangay Sampaloc.

Anang mga awtoridad, pineke ng mga suspek ang purchase order (PO) para makapagnakaw ng diesel para sa kanilang municipal service vehicle.

Nasamsam sa kanila ang 360 litro ng  diesel na nagkakahalaga ng P20,534.40.

Nanlaban pa ang mga suspek sa pag-aresto subalit nadakip din ng mga pulis. RNT/SA

Previous articlePaggamit ng photo filter app sa PhilID viral sa socmed; kinondena ng PSA
Next articleBabae tiklo sa P3.4M shabu