Home METRO Babae tiklo sa P3.4M shabu

Babae tiklo sa P3.4M shabu

DUMAGUETE CITY- Nalambat ng mga operatiba nitong Linggo ng gabi ang isang hinihinalang tulak ng droga at narekober ang mahigit P3.4 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa sting operation sa Sibulan, Negros Oriental.

Nadakip ang suspek, na kinilala lamang sa tawag na Rea, 36, dakong alas-9:30 ng gabi sa buy-bust sa Purok 3, Barangay Magatas, ayon sa ulat ng Negros Oriental Provincial Police Office (NOPPO) nitong Lunes.

Nasamsaman siya ng higit-kumulang 504 gramo ng hinihinalang shabu na may estimated street value na P3.427 milyon.

Itinuturing si Rea na high-value individual sa listahan ng pulisya ng hinihinalang drug personalities.

Ani Lt. Stephen Polinar, NOPPO spokesperson, naghain na ng reklamong illegal drug possession and selling laban sa suspek nitong Lunes ng umaga. RNT/SA

Previous article3 LGU employees timbog sa ‘pagnenok’ ng gas
Next articleDTI nagbabala vs pagbebenta ng ‘mystery parcels’