Home NATIONWIDE 3 lugar tutustahin ng ‘danger level’ heat index ngayong araw

3 lugar tutustahin ng ‘danger level’ heat index ngayong araw

MANILA, Philippines – Inaasahan ang mapanganib na lebel ng heat index sa tatlong lugar sa bansa ngayong Lunes, Abril 7.

Ayon sa PAGASA, makararanas ng 43 degrees Celsius na heat index sa synoptic station sa Virac, Catanduanes ngayong araw.

Samantala, aabot naman sa 42°C ang heat index sa Dagupan City, Pangasinan at Dumagas, Iloilo.

Ang heat index na mula 42°C hanggang 51°C ay nasa ilalim ng danger category, habang ang mga lugar na mayroong 52°C at pataas na heat index ay nasa ilalim ng extreme danger category.

Samantala, inaasahan naman ang heat index na 40 degrees Celsius sa NAIA Pasay City at 39°C sa Quezon City.

Nasa ilalim naman ito ng kategoryang “extreme caution” kung saan posible ang heat cramps at heat exhaustion. RNT/JGC