Home NATIONWIDE Alternative learning modes ipatutupad sa QC public schools sa mainit na panahon

Alternative learning modes ipatutupad sa QC public schools sa mainit na panahon

MANILA, Philippines – Inanunsyo ng Quezon City government na magkakaroon ng ilang adjustment sa class schedule sa mga pampublikong paaralan ngayong Lunes, Abril 7, 2025 dahil sa mataas na heat index.

Sa social media post, sinabi ng QC LGU na sa iRISE-UP program forecast ay posible ang heat index na 41°C sa lungsod ngayong araw.

Dahil dito, inirekomenda ng Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Office (QCDRRMO) ang alternative modes ng learning—synchronous/asynchronous; limited face-to-face classes; o shortened classes— sa mga pampublikong paaralan ngayong Lunes kabilang ang child development centers, kindergarten, Grades 1-12, at Alternative Learning System classes.

“Ipinauubaya naman sa mga pribadong paaralan at Higher Education Institutions (HEIs) ang pagpapasya sa paggamit ng alternatibong pamamaraan ng pag-aaral dahil sa matinding init,” dagdag pa. RNT/JGC