Home NATIONWIDE 3 MARINA officials kinasuhan sa M/V Trisha Kerstin 3 tragedy

3 MARINA officials kinasuhan sa M/V Trisha Kerstin 3 tragedy

196
0

MANILA, Philippines – Naghain na ng kaso ang Department of Transportation (DOTr) laban sa tatlong opisyal ng Maritime Industry Authority (MARINA) kaugnay ng paglubog ng M/V Trisha Kerstin 3, ayon sa isang opisyal ng ahensya nitong Biyernes.

Sinabi ni DOTr Assistant Secretary for the Maritime Sector Bong Plan sa isang ulat na direktang sangkot ang tatlong tauhan sa pag-iisyu ng mga safety certificate ng nasabing barko.

Anim na tauhan naman ng Philippine Coast Guard (PCG) ang inilagay sa preventive suspension habang isinasagawa ang hiwalay na imbestigasyon sa insidente at sa posibleng mga paglabag.

Ayon kay Plan, inaasahang magsusumite ng ulat ang PCG sa susunod na linggo.

Naghahanda rin ang DOTr ng mga kasong administratibo laban sa Aleson Shipping Lines upang ipawalang-bisa ang Certificate of Public Convenience nito. Nanatiling suspendido ang operasyon ng kumpanya.

“The DOTr, in coordination with MARINA, is already studying the different aspects… and evidence in order for us to file the necessary criminal charges pagdating po sa trahedyang ito. Tinitignan po natin kung ang mga liabilities nila as well as violations po na ginawa po nila,” ani Plan.

Kabilang sa mga sinisiyasat ang mga pasaherong hindi nakasaad sa manifesto ng barko at ang mga paglabag sa kaligtasan, gaya ng kakulangan sa access sa life vests.

Hanggang noong Miyerkules, umabot na sa 52 ang nasawi matapos makarekober ng panibagong bangkay sa search and rescue at dive operations malapit sa Baluk-Baluk Island. Nananatili naman sa 316 ang bilang ng mga nakaligtas. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here