MANILA, Philippines – PINAKAWALAN na ang tatlong Filipinong menor de edad sa Qatar na nagpartisipa sa ‘unauthorized political protest’ na sumusuporta sa panawagan na palayain na si dating Pangulong Rodrigo Duterte.
May 16 naman na natitira ang nananatili sa kustodiya ng pulisya.
Sinabi ni Foreign Undersecretary Eduardo de Vega na may 20 Filipino ang nagpartisipa sa political demonstration ang inaresto ng mga Qatari authority, kung saan ang isa ay kagyat na pinalaya mula sa detensyon.
Sa media update, sinabi ni de Vega na habang ang tatlong menor de edad ay pinakawalan, ang kani-kanilang mga ina ay nananatili naman sa kustodiya ng pulisya.
Tinukoy ang impormasyon mula kay Philippine Ambassador to Qatar Mardomel Melicor, sinabi ni de Vega na ang piyansa ay hindi ina-apply sa Doha.
“They will finish the investigations and set the detained person free if warranted, or keep him or her in detention if charges are filed,” ang winika ni De Vega ayon sa sinabi ni Melicor.
“Authorities have been questioning the detainees about whether they planned to disrupt Qatar, damage its relations with the Philippines or embarrass the country,” anito.
Ang mga babaeng demonstrador ay kinuwestiyon nitong weekend, habang ang mga lalaking protesters ay isinailalim sa police interrogation.
“Maybe if they are convinced that this is just harmless demonstration as a support for a former president, we hope they will be released,” ang sinabi ni de Vega.
Tinuran pa ni de Vega na matatagalan ang proseso, posibleng dahil sa Ramadan season, kung saan ang work hours sa Muslim countries ay pinaikli.
Nilinaw din nito na walang repatriations lalo pa’t ang mga indibiduwal ay nananatiling nasa kustodiya ng mga pulis.
“Our goal is for them to be released and return to work. That’s what the embassy is working on, so we hope for the best,” ang sinabi pa rin ni de Vega.
Samantala, nilinaw naman ni de Vega na ang pag-aresto ay bunsod ng kanilang partisipasyon sa political demonstration—o isang uri na napagtanto ng mga Qatari authority.
“Now, we know they were just indicating their support for the former president. And I think they were harmless. It was more like a picnic gathering. However, they had T-shirts, placards, or something similar, which is why they were arrested,” aniya pa rin.
Patuloy namang ginagawan ng paraan ng Philippine Embassy sa Doha at nakikipagtulungan sa mga abogado at mga consul na kumbinsihin ang mga awtoridad na pakawalan na ang mga detinado at patawan ng multa o piyansa sa halip na sampahan ng kaso ang mga ito.
“We’re hopeful that they will be released in the next week or so. If there’s a case against them, it could mean up to three years in detention,” ang sinabi ni de Vega sabay sabing nakahnda ang pamahalaan na magbigay ng legal assistance kung kinakailangan.
Hindi aniya kagaya sa Europa, kung saan nagtipon ang malaking bilang ng mga taga-suporta ni dating Pangulong Duterte sa The Hague, binigyang diin ni de Vega na ang Middle Eastern countries gaya ng Qatar ay mayroong mas mahigpit na alituntunin.
Ang insidente aniya ay magsisilbin “good warning” sa mga Filipino sa Qatar at iba pang Middle Eastern countries.
Hindi aniya dapat na sumasali ang mga ito sa political demonstrations lalo pa’t kung ang nasabing aktibidad ay ipinagbabawal sa kanilang host countries.
“The situation in the Middle East is different. You’re not in the Philippines, and we know that there are emotional issues involved. But you’re there to work and not to lose your job for yourself and your family,” ang sinabi pa rin ng diplomat. Kris Jose