MANILA, Philippines- Tatlong estudyante na kapwa menor-de-edad ang naaresto makaraang tumangay ng nakaparadang motorsiklo sa Brgy. Malagasang 1F, Imus City, Cavite.
Batay sa nakalap na report, kinilala ang mga nadakip na sina alyas ‘Cedric,’ 15, alyas ‘Levi,’ 16, at alyas ‘King,’ 17, pawang mga estudyante at residente ng Talon Las Pinas City.
Sa ulat, dakong alas-8:30 ng gabi nang iparada ng biktima na si alyas ‘Jim,’ 26, factory worker ang kanyang motorsiklo na Honda ANF100MSP na may plakang WO 3068 malapit sa kanilang bahay sa Brgy. Malagasang 1-F ng nasabing lugar, subalit nang balikan niya ito kinabukasan ng umaga ay nawawala na ito.
Kaagad na ipinagbigay-alam nito sa kanilang barangay ang pangyayari at nang suriin ang footage ng Closed Circuit Television (CCTV) sa lugar ay hagip ang pagtangay ng tatlong kabataan sa nasabing motor.
Nasa kustodiya na ng City Social Welfare and Development (CSWD) ang tatlong estudyante at nahaharap sa kasong paglabag sa RA 10883 (Carnapping). Margie Bautista