Home NATIONWIDE DOH: Sanitasyon mahalaga para iwas Hepa B, C

DOH: Sanitasyon mahalaga para iwas Hepa B, C

MANILA, Philippines- Binigyang-diin ni Health Secretary Teodoro Herbosa ang kahalagahan ng sanitasyon kahit sa paghawak ng pagkain, bilang paraan upang maiwasan ang Hepatitis B.

Ayon pa sa kalihim, available din ang bakuna laban sa naturang sakit.

Tulad ng Hepatitis B, sinabi ni Herbosa na ang Hepatitis C ay may ‘chronic carrier.’

Sa press conference, sinabi ni Herbosa na ang Hepatitis B ay naipapasa sa pamamagitan ng fecal-oral kaya kapag nakipagsalo sa pagkain ng taong positibo sa hepatitis ay maaring maipasa ang impeksyon.

Kaya aniya, sinusuri ang food handlers lalo na sa mga nagtatrabaho sa restaurant para sa Hepa C dahil maaari nitong maipasa sa iba ang sakit.

Mahalaga aniya sa mga restaurant na magsuot ng gloves at maghugas ng kamay. Mahalaga rin aniya ang sanitation para maiwasan ang pagkalat ng Hepa B ngunit mas mabuting magpabakuna.

Iniulat ng Department of Health (DOH) at Epidemiology Bureau ng ahensya na sa 8 porsyento ng iniulat na Hepatitis B screening tests ay kabilang ang mga kababaihan kung saan halos 45% ay buntis noong panahon ng testing. Sa lahat ng kababaihan na nasuri, 2.70 porsyento ang nasubok na reactive, 2.41 porsyento sa mga buntis at 3.88 porsyento sa mga lalaki.

Sa Hepatitis C, lumabas sa datos ng DOH na mayroong kabuuang 481,462 noong Enero hanggang December 2023 ang nasuri para sa Hepa C screening tests kung saan 0.83 porsyento sa kanila ang napag-alamang reactive.

Kabilang sa mga rehiyon na may pinakamataas na testing rates para sa Hepatitis C ay ang National Capital Region (NCR),Central Visayas (Region 7) at Davao Region (Region 11).

Ipinaliwanag ng DOH na ang datos ay nagmula sa Laboratory at Blood Bank Survellaince (LaBBS)na “test-based.” Jocelyn Tabangcura-Domenden