Home METRO 5 tiklo sa P1.5M shabu

5 tiklo sa P1.5M shabu

113
0

NEGROS OCCIDENTAL- Umabot sa P1.5 milyon halaga ng hinihinalang shabu ang nakumpiska ng mga awtoridad habang ang lima ang nadakip sa suspek sa magkakasunod na buy-bust operation ng mga awtoridad sa probinsyang ito.

Sa Bacolod City, nadakip ang isang suspek na kinilalang si Leodegario Asuncion Jr., 26-anyos at residente ng Barangay Handumanan, ng naturang lungsod.

Sa report ng Police Station 8, nadakip ang suspek noong Miyerkules sa Barangay Pahanocoy, Bacolod City at nakuhanan ng 101 gramo ng shabu na aabot sa halagang P686,800.

Ayon kay Police Major Eugene Tolentino, hepe ng Police Station 8, dati na ring nadakip ang suspek sa kaparehong kaso at nakalabas ito ng kulungan matapos mag-apply ng probation.

Nadakip naman ng Police Station 7 ang isang suspek na si Jose Rizal Villalobos Jr., 37, sa kanyang bahay sa Barangay Alijis, at narekober sa kanya ang 53 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P360,400.

Nahuli rin ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-Regional Special Enforcement Team (RSET)-Bravo ang suspek na si Hylle Parcia, 45, ng Barangay Jonob-Jonob, Escalante City.

Narekober kay Parcia ang pitong pakete na naglalaman ng shabu na aabot sa halagang P340,000.

Sa pangunguna naman ni Police Lt. Col. Mark Anthony Darroca, hepe ng Silay police, nahuli nila sa Barangay E. Lopez ang isang job order casual employee at kasama nitong kapwa 34-anyos, at taga-Barangay Lantad. Nakuhanan ang mga ito ng 16 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P108,800.

Sinabi pa ni Darroca na nadakip ang mga suspek noong Agosto 2019 at nakalaya ang mga ito sa pamamagitan ng plea bargaining.

Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa ilegal na droga ang mga suspek. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here