Home NATIONWIDE 3-month fishing ban sa Visayan Sea inalis na ng BFAR

3-month fishing ban sa Visayan Sea inalis na ng BFAR

131
0

MANILA, Philippines – Inalis na ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang three-month closed fishing season sa Visayan Sea nitong Lunes, Pebrero 16.

Ang three-month ban ay nagsimula noong Nobyembre 15 na ipinatupad para sa konserbasyo ng mga sardinas, herrings, at mackerel sa Visayan Sea.

Sa pag-aalis ng ban, ang commercial fishers ay maaari nang magpatuloy sa kanilang operasyon sa conservation area sa Visayan Sea.

Ipinagbawal sa three-month ban ang panghuhuli, pagbebenta, at pagbili ng sardinas, mackerel, at herring sa bahagi ng marine biodiversity-rich seawater.

Ang ban ay ipinatupad upang protektahan ang mga isda sa naturang dagat sa kanilang spawning period. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here