Home NATIONWIDE 3 mpox cases kumpirmado sa Sultan Kudarat

3 mpox cases kumpirmado sa Sultan Kudarat

MANILA, Philippines – Kumpirmado ang tatlong kaso ng mpox sa lalawigan ng Sultan Kudarat, ayon kay Governor Datu Pax Ali Mangudadatu.

Dalawang kaso ang naitala sa Tacurong City at isa sa Bagumbayan.

Lahat ay nasa maayos na kalagayan at naka-home isolation. Mahigpit na binabantayan ng health officials ang kanilang mga close contacts.

Kaugnay nito, patuloy ang containment measures ng mga frontliner.

Nauna nang naiulat ang 10 kumpirmadong kaso sa kalapit na South Cotabato at iniimbestigahan pa ang anim na hinihinalang kaso. RNT