Home ENTERTAINMENT Chito Miranda, inalala ang panahong tumambay sa presinto para kay Neri

Chito Miranda, inalala ang panahong tumambay sa presinto para kay Neri

248
0

Manila, Philippines — Buong tapang at pagmamahal ang ipinamalas ni Parokya ni Edgar frontman Chito Miranda nang balik-tanawin niya ang isa sa pinakamabigat na yugto ng kanilang buhay mag-asawa noong 2024.

Sa panayam, ikinuwento ni Chito ang naging karanasan nilang mag-asawa matapos maharap si Neri Naig sa kasong syndicated estafa at paglabag sa Securities Regulation Code, kaugnay ng umano’y panghihikayat ng mga investors sa isang investment scheme.

Aminado si Chito na dumaan sila sa matinding pagsubok, ngunit hindi niya iniwan si Neri.

“I never left her side. Siyempre, there were parts na hindi ako pinayagang makasama siya, pero I was just outside,” aniya.

“Basically, umalis ako ng bahay at tumira sa presinto for the whole duration. That was around two weeks. Hindi ako umuwi hangga’t hindi kami sabay na umuwi.”

Dagdag pa ng OPM icon, kasalukuyang nasa proseso pa ng recovery si Neri mula sa dinanas na trauma dulot ng legal battle.

Sa panayam, nagbahagi rin si Chito ng mahahalagang aral na nais niyang ituro sa kanilang mga anak mula sa karanasang ito:

“Una, maging kind. Maging mabait kahit hindi mabait sa ‘yo ang mundo. Kahit exposed tayo sa negativity sa social media, sa totoong buhay, the world is still beautiful,”

“At laging magtiwala na kung anuman ang pinagdaraanan mo, everything happens for a reason.”

Matatandaang nitong Marso ay ibinasura ng Pasay City Regional Trial Court ang kaso laban kay Neri dahil sa procedural defect sa isinampang reklamo na may kaugnayan sa Dermacare/Beyond Skin Care Solutions scheme.

— Archie Liao

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here