Home METRO 3 nahulihan ng higit P100K tobats sa Valenzuela

3 nahulihan ng higit P100K tobats sa Valenzuela

4
0

MANILA, Philippines – Mahigit P.1 milyong halaga ng shabu ang nasamsam sa tatlong drug suspects kabilang ang isang bebot matapos maaresto sa ikinasang buy bust operation ng pulisya sa Valenzuela City.

Sa ulat ng tanggapan ni Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Benliner Capili, nagsagawa ang mga operatiba ng District Drug Enforcement Unit (DDEU) ng buy bust operation sa koordinasyon sa PDEA sa Dulong Tangke, Brgy., Malinta.

Dakong alas-10:48 ng umaga nang maaresto ng mga operatiba sa loob ng isang bahay ang tatlong drug personalities kabilang ang 26-anyos na lalaki, 22-anyos na kelot at 33-anyos na bebot matapos umanong magbenta ng shabu sa isang pulis na nagpanggap na buyer.

Nakumpiska sa kanila ang humigi’t kumulang 15.87 grams ng hinihinalang shabu na mayestimated Standard Drug Price na ₱107,916.00 at buy bust money.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa R.A 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 sa Valenzuela City Prosecutor’s Office. (Merly Duero)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here