Home NATIONWIDE 3 naistranded na mangingisda sa WPS, nasagip ng PH Marines

3 naistranded na mangingisda sa WPS, nasagip ng PH Marines

265
0

MANILA, Philippines – Nasagip ng detachment ng Philippine Marines ang tatlong mangingisda na naistranded na mangingisda sa West Philippine Sea nitong Linggo, Setyembre 7.

Sa pahayag, sinabi na nagbigay ng tulong at nasagip ng mga tauhan ng Marine Battalion Landing Team-9 (MBLT-9) na naka-istasyon sa WPS ang mga mangingisda na nagpapalutang-lutang na lang sa kanilang mga bangka sa loob ng dalawang araw.

Ang mga mangingisda ay kinilalang sina Romeo H. Carta, 50; Rojin A. Santillan, 28; at Axel C. Gonzaga, 30, pawang mga residente ng Barangay San Piro, Malayan, Batangas.

Iniulat na ang mga ito ay napalayo mula sa kanilang mother boat dahil sa masamang lagay ng dagat.

Agad naman na binigyan ng pagkain, tubig at gamot ang mga mangingisda.

Nakipag-ugnayan ang marines sa Philippine Navy, na siya namang kumontak sa mother boat ng mga mangingisda para masundo ang mga ito.

“This incident highlights the unwavering commitment of the Philippine Marine Corps to safeguarding lives and upholding maritime security in the West Philippine Sea, ensuring the protection of both territorial waters and Filipino fisherfolks,” saad sa pahayag ng Philippine Marine Corps. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here