MANILA, Philippines – Nasagip ng mga awtoridad ang tatlong lalaki matapos lumubog ang bangkang sinasakyan nila dahil sa malakas na agos ng ilog sa Cagayan River.
Ito ay kasunod ng pagpapakawala ng tubig ng Magat Dam.
Sa ulat, naglalayag ang mga ito malapit sa Palattao Bridge sa Cagayan River sa Enrile, Cagayan nitong Sabado, Oktubre 4.
Ayon kay Mayor Miguel Decena, ang tatlong lalaki ay may kargang walong sako ng inaning mais nang tangayin sila ng rumaragasang tubig.
Bahagyang nasaktan ang isa sa kanila na nakatanggap na ng paunang lunas. RNT/JGC