Home NATIONWIDE Dutch national natagpuang patay sa Ormoc

Dutch national natagpuang patay sa Ormoc

288
0

MANILA, Philippines — Natagpuang-patay ang isang 72-anyos na Dutch national sa loob ng kanyang bahay sa Barangay Tambulilid, Ormoc City, Leyte bandang alas-4 ng hapon noong Biyernes, Oktubre 3.

Kinilala ng mga awtoridad ang biktima sa alyas na “Tisoy,” tubong Maassluis, The Netherlands, at matagal nang naninirahan sa Ormoc City kasama ang kanyang kinakasamang Filipina.

Batay sa imbestigasyon ng Ormoc City Police, natagpuan ng kinakasama ng biktima na si “Babe” ang katawan nito sa loob ng kanilang banyo at nakaupo sa inidoro.

Ayon kay Babe, ilang araw nang nahihirapang huminga ang matanda at dati nang may prostate problem at hypertension, kung kaya’t umiinom ito ng maintenance medicine.

Sinuri ng Ormoc City Forensic Unit (OCFU) at Scene of the Crime Operatives (SOCO) ang lugar at walang nakitang palatandaan ng foul play, ayon sa ulat. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here