Home TOP STORIES Konstruksyon ng LTFRB Central Office, iniimbestigahan sa gitna ng flood control mess

Konstruksyon ng LTFRB Central Office, iniimbestigahan sa gitna ng flood control mess

320
0

MANILA, Philippines – Umabot na sa bakuran ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang mga kumpanyang kasalukuyang tinitingnan ng mga mambabatas kaugnay ng mga proyektong pampubliko, matapos mapag-alamang isa sa mga ito ang contractor ng bagong gusali ng ahensiya sa Quezon City.

Ang proyekto, na tinawag na “Design and Construction of the LTFRB Central Office”, ay kinabibilangan ng pagpapalit ng bubong, water proofing, at pagtatayo ng bagong harapan ng gusali. May kabuuang halaga ito na ₱49.6 milyon.

Batay sa dokumento, ang kontrata ay naipanalo ng Alpha and Omega General Contractor and Development, na nakipag-joint venture sa Primecraft Construction Service para sa pagpapatupad ng proyekto.

Bagama’t itinuturing na karaniwan ang joint venture arrangement sa mga proyekto ng pamahalaan, tinatalakay ito sa mga pagdinig ng Kamara at Senado dahil sa mga isyung lumilitaw kaugnay ng transparency at procurement process.

Nakatakdang magsimula ang proyekto noong Disyembre 2024 at may target na completion date sa Agosto 9, 2025. Gayunman, pansamantalang nahinto ito habang nagpapatuloy ang imbestigasyon ng mga kinauukulang ahensiya sa mga proyektong flood control sa bansa. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here