MANILA, Philippines – Sinibak ang tatlong opisyal ng Philippine National Police-Anti Cybercrime Group (PNP-ACG) kasunod ng pagsalakay sa umano’y scam hub sa loob ng Century Peak Tower sa Manila noong Oktubre 29.
Sa pahayag, sinabi ni ACG chief Maj. Gen. Ronnie Francis Cariaga na agad niyang ipinag-utos ang agarang pagsibak sa nasabing mga opisyal at imbestigahan ang umanoy pag-tanper sa closed-circuit television (CCTV) camera sa gusali nang isagawa ang post-raid investigation noong Oct. 31.
Ayon sa ulat, tinakpan at ginalaw ng tatlo ang CCTv sa hallway upang maiwasan na sila ay Makita habang naglalakad na walang damit dahil sa matinding init sa loob ng gusali.
Sinadya umanong patayin ang elevator at aircon ng gusali kaya napilitan ang raiding team na maglakad hanggang sa 23rd floor kung saan matatagpuan ang Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) hub .
Ayon kay Cariaga, mahaharap sa administrative proceedings ang tatlo at nasa ilalim ng hurisdiksyon ng Personnel Holding and Accounting Section (PHAS) ng ACG.
Ang pagsalakay sa Century Peak Tower ay isinagawa dalawang araw bago i-shut down ang Central One Bataan PH,Inc at CebtroPark sa Bagac,Bataan ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC), sa pangunguna ni Undersecretary Gilbert Cruz, and the PNP Special Action Force and Criminal Investigation and Detection Group sa bisa ng search warrant na inisyu ng Malolos, Bulacan court.
Sinabi ng PAOCC na ang Central One ay isang scam at gaming hub na nagpapanggap bilang business process outsourcing firm.
Samantala, itinanggi ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Maj. Gen. Sidney Hernia na “walang katotohanan at walang batayan” ang mga paratang ng pangingikil na ibinato laban sa kanya at sa 14 pang opisyal.
Sinabi ni Hernia na handa ang NCRPO na sagutin ang alegasyon sa tamang lugar. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)