ECHAGUE, Isabela – Muling binulabog ng bomb threat ang tatlong paaralan sa lalawigan ng Isabela sa loob lamang ng isang araw.
Ayon kay PCapt. Elias Mangoma, tagapagsalita ng Regional Explosive Ordnance Disposal and Canine Unit, negatibo sa anumang uri ng pampasabog ang isinagawang ocular inspection ng mga otoridad sa tatlong paaralan kabilang ang Isabela Colleges at Our Lady of the Pillar College sa Cauayan City habang ang isa ay naitala sa Cabatuan National High School.







