Home METRO 3 pakeng NBI agent, crime group leader arestado sa Tarlac

3 pakeng NBI agent, crime group leader arestado sa Tarlac

MANILA, Philippines – Tatlong nagpapakilalang ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) ang naaresto kasama ang dating crime group leader sa operasyon ng pulisya sa Barangay San Agustin, Concepcion, Tarlac.

Sa pahayag ng Police Regional Office 3 (PRO3), nagsagawa ng buy-bust operation target ang mga suspek na nagngangalangang alyas ‘Romnick,’ 35 anyos, nakilalang dating lider ng grupong kriminal na nagbenta ng baril sa undercover operative.

Ayon sa PRO3, kinumpirma ng mga operatiba na dating lider ng Pascual Criminal Group si Romnick na sangkot sa illegal drugs, motorcycle theft, cigarette smuggling at robbery-holdup sa buong Tarlac gamit ang pekeng pagkakakilanlan ng mga alagad ng baas.

Ang mga naarestong suspek ay nakasuot pa umano ng NBI shirts na may logo.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang .45 caliber Rock Island pistol na may magazine at may pitong bala, hand grenade, apat na two-way radio at dalawang maliit na plastic na naglalaman ng hinihinalang shabu.

Ang baril ay ibinenta sa halagang P19,000.

Nahaharap ngayon sa patong-patong na kaso kabilang ang illegal possession of firearm, ammunition at explosives, drug possession, usurption of authority at paglabag sa gun ban ang mga suspek. Jocelyn Tabangcura-Domenden