Home NATIONWIDE 3 pangmalakasang missile system ng Pinas papuputukin sa Balikatan

3 pangmalakasang missile system ng Pinas papuputukin sa Balikatan

MANILA, Philippines – Papuputukin ng Philippine Navy (PN) ang tatlong pangunahing missile system sa nalalapit na “Balikatan” exercises kasama ang pwersa ng U.S. sa huling bahagi ng Abril.

Ayon kay PN flag officer-in-command Vice Admiral Jose Ma. Ambrosio Ezpeleta, ilulunsad ang C-Star surface-to-surface missile, Spike Non-Line of Sight (NLOS) missile, at Mistral surface-to-air missile mula sa mga yunit ng Navy.

Ang live-fire exercises na gaganapin sa Abril 21 sa Mariveles, Bataan ay bahagi ng multilateral maritime drills na layuning palakasin ang kakayahang makipag-ugnayan sa ibang hukbo at tiyakin ang seguridad sa rehiyon.

Ang C-Star ay ginagamit ng Jose Rizal-class frigates, ang Spike NLOS ay nakadeploy sa Acero-class fast attack craft, at ang Mistral 3 ay isang anti-air weapon na nagpapakita ng lumalakas na kakayahan ng Navy.

Habang ipinagdiriwang ng PN ang ika-127 anibersaryo nito sa Mayo, muling tiniyak ni Ezpeleta ang kanilang dedikasyon sa modernisasyon at katatagan ng rehiyon. Santi Celario