Bulacan – Patay ang tatlong paslit matapos aksidenteng masunog ang kanilang bahay dahil umano sa kandila sa bayan ng Calumpit.
Sa report, nasa pagitan ng isang taon gulang ang babae habang nasa Lima at pitong taong gulang ang kanyang mga kapatid na lalaking biktima at kapwa residente ng Brgy. Gatbuca.
Ayon sa report, naganap ang insidente bandang 11:00 ng gabi ng Miyerkules nitong Abril 23 sa Brgy. Gatbuca.
Base sa impormasyon, posibleng kandila ang naging mitsa ng sunog na tumusta sa mga biktima dahil wala umanong kuryente ng mga oras na iyon.
Sinasabing umalis ang kanilang magulang para makipaglamay sa patay sa kabilang barangay at iniwan ang magkakapatid na walang kamuwang-muwang nang lamunin ng apoy.
Kaugnay nito, sa Facebook post na nag-viral, maraming galit na netizen ang nagsabing nagsusugal lamang ang ina ng mga biktima sa isang lamay sa kanilang barangay sa kasagsagan ng sunog.
Patuloy pa rin ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa pinagmulan ng sunog. Dick Mirasol III