Home HOME BANNER STORY 3 patay, 5 sugatan sa banggaan sa Tagaytay

3 patay, 5 sugatan sa banggaan sa Tagaytay

294
0

MANILA, Philippines – Tatlo katao ang namatay kabilang ang umano’y buntis habang limang estudyante ang malubhang nasugatan sa naganap na banggaan sa kahabaan ng Bypass road, Brgy Zambal, Tagaytay City, Cavite.

Ayon sa ulat, kapwa namatay ang sakay ng kotseng sinalpok ng van na pawang magkakamag-anak na kinilalang sina Jemar Pelias, 47 anyos, drayber ng Toyota Corolla, residente ng Brgy. Manggas II, Alfonso; Jenalyn Emberga, buntis, nasa hustonng gulang, residente ng San Fernando, Pampanga at isa pang hindi nakilalang lalaki.

Nasa kritikal na kondisyon naman at kasalukuyang inoobserbahan sa pagamutan ang drayber at mga sakay ng van na pawang mga estudyante na nakasalpok sa kotse ng mga biktima na kinilalang sina Francesco Maurisse Tan Erni, 18 anyos, driver ng Nissan Grand Livina XR Luxury 1.8L, residente ng Brgy. Galacia III, Mendez; Dan Kian Mickell Decasa, 18 anyos ng Galacia II, Mendez; Gabriel Ronald Lomibao, 19 anyos, residente ng Brgy Patutong Malaki North, Tagaytay City; Jinkerstin Bautista, 17 anyos, residente ng
Brgy. Galacia III, Mendez at Gabrielle D Villanueva, 18 anyos, residente ng Brgy. Marahan I, Alfonso, Cavite, pawang mga sakay ng nasabing van.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-12:50 ng madaling araw kung saan binabagtas ng kotse ng mga biktima ang pa-silangang direksyon nang salpukin ito ng sasakyan ng mga suspek na Nissan Grand Livina XR Luxury 1.8L AT.

Napag-alaman na may kabilisan umano ang takbo ng van at sa lakas ng impact ng pagkakasalpok ay halos nayupi at nawasak ang kotse ng mga biktima na naging dahilan ng agarang pagkamatay ng mga sakay nito.

Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya na lasing umano ang driver at sakay ng nasabing van. MARGIE BAUTISTA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here