Home METRO 3 patay sa aksidente ng magkakaanak na galing sa lamay

3 patay sa aksidente ng magkakaanak na galing sa lamay

MANILA, Philippines – Patay ang tatlong pasahero habang sugatan naman ang dalawa pa nilang kasama matapos maaksidente ang sinasakyan nilang kotse sa Luisiana, Laguna.

Ayon sa ulat, ang mga biktima ay magkakaanak na galing pa sa lamay at pauwi na sana.

Nagtamo ng matinding pinsala sa ulo at katawan ang mga nasawi na pawang mga senior citizen.

Nagpapagaling naman sa ospital ang dalawa, kasama na ang drayber ng kotse.

Sa imbestigasyon, pauwi na sa Rizal ang mga biktima mula sa lamay sa Bicol nang mawala sa linya ng kalsada ang kotse at sumalpok sa isang concrete barrier. RNT/JGC