Home NATIONWIDE Babae pinatay ng hubo’t hubad na lalaki sa Switzerland

Babae pinatay ng hubo’t hubad na lalaki sa Switzerland

SWITZERLAND – Patay ang isang babae na nagja-jogging sa isang lalaking nakahubad at sumisigaw sa lakeside park sa Switzerland.

Ayon sa pulisya, ang pag-atake ay nangyari Martes ng gabi, Mayo 21, sa Mannedorf sa Lake Zurich.

Agad naman na naaresto ang 19-anyos na suspek.

“On Tuesday evening a woman was attacked and fatally injured by a man in Mannedorf,” pahayag ng Zurich cantonal police.

“Shortly before 8:00 pm (1800 GMT), passersby reported a man in Alma Park who was running around naked, screaming and physically attacking other people.”
“The emergency services who quickly arrived on site found a seriously injured woman lying on the ground.

“Despite immediate resuscitation, the woman died from her serious injuries.

“The suspected perpetrator, a 19-year-old Swiss, who was also found on site, was arrested by the police.”

Iniimbestigahan pa ang pagkakakilanlan ng biktima.

Iniimbestigahan din ng pulisya ang background ng pag-atake at kung magkakilala ba ang suspek at biktima.

Bukod sa nasawing biktima, iniulat na may isa pa ang bahagyang nasaktan dahil pa rin sa suspek bagama’t hindi malinaw kung ano ang ginamit nito sa pananakit. RNT/JGC