Home NATIONWIDE Pagbalasa sa committee chairmanship, sinimulan ni Escudero

Pagbalasa sa committee chairmanship, sinimulan ni Escudero

MANILA, Philippines – Sinimulan ni Senate President Francis Escudero ang unti-unting pagbalasa sa committee chairmanship, sa pagbibigay ng Senate committee on economic affairs kay dating Senate President Juan Miguel “Migz” Zubiri.

Sa plenary session na naganap nitong Miyerkules, Mayo 22, nahalal sa pamamahala ng major committee ang mga sumusunod:

* Senador Sonny Angara, Committee on Justice and Human Rights;

* Senador Nancy Binay, Committee on Sustainable Goals;

* Senador Pia Cayetano, Committee on Energy;

* Senador JV Ejercíto, Committee on Local Government;

* Senador Lito Lapid, Committee on Tourism;

* Senador Imee Marcos, Urban Planning, Housing and Resettlement;

* Senate Majority Leader Francis Tolentino, Committee on Ethics and Privileges;

* Senador Raffy Tulfo, Committee on Public Services;

* Senador Joel Villanueva, Committee on Labor, Employment and Human Resources Development; and

* Senador Mark Villar, Committee on Government Corporations and Public Enterprises.

Pangungunahan naman ni Senador Alan Peter Cayetano ang Committee on Accounts, Committee on Trade and Industry, at ang Committee on Higher, Technical and Vocational Education.

Nahalal naman si Senador Jinggoy Estrada bilang Senate Pro Tempore.

“Everyone should have a committee and former Senate President Zubiri expressed to me their desire to have committees and to work. I wholly agree dahil kailangan naman talaga namin ng makakatulong,” ayon kay Escudero.

“There are over 45 committees if I’m not mistaken, at 24 lang kami,” ayon sa Senate chief sa press conference.

Nakatakdang ipahayag ni Escudero ang pagbabago sa committee chairmanship sa susunod na araw.

Kasabay nito, tiniyak naman ni Cayetano na kanyang pangangalagaan ang usapin hinggil sa pambansa at pangdaigdigang kalakalan.

Kabilang sa kanyang mga responsibilidad ang pangangasiwa sa pribadong korporasyon, mga Micro, Small, at Medium Enterprises o MSMEs, at regulasyon ng mga gawain ng mga negosyante. Dagdag pa rito, nakatuon si Cayetano sa kontrol ng kalidad at proteksyon ng mga mamimili.

Sa Committee on Higher, Technical, and Vocational Education, kanyang tutugunan niya ang lahat ng isyu na may kaugnayan sa post-secondary at tertiary education, technical education, distance learning, at pagsasanay sa trabaho.

Kabilang sa kanyang tungkulin ang mapanatili na nasa maayos na kapakanan ang mga guro at mag-aaral sa pamamagitan ng pagbibigay ng scholarship, grant, at insentibo.

Pangungunahan din ni Caeytano ang Committee on Accounts at Committee on Science and Technology.

Dahil sa malawak na karanasan at dedikasyon ni Cayetano, hangarin niyang masolusyonan ang mga isyung may kinalaman sa kalakalan, edukasyon, at gawain ng pamahalaan

Samantala, ipinaabot naman ni Binay ang kanyang pagbati kay Escudero kabilang ang lahat ng bagong opisyal.

“As senators, our duty transcends party affiliations. We are dedicated to working collaboratively for the benefit of the Filipino people and our nation,” ayon sa senadora.

“Ang pagiging Senate President ay isa sa mga pinakamabigat na tungkulin sa pamahalaan, and allow me to say that former Senate President Migz Zubiri performed his duties excellently in serving our nation,” paliwanag pa niya.

Sinabi pa ni Binay na sa kabila ng mga hamon na kanyang kinaharap, nananatiling matatag ang Senado sa pangako nito sa mahalagang tradisyon ng checks and balances, ang mapanatili ang pagiging independent ng ating institusyon, at pangalagaan ang democratic ideals nito.

Kabilang si Binay sa “Solid 7, sina Senador Migz, Loren, Joel, Sonny, Sherwin at JV—na nagbitiw sa committee chairmanship upang malayang makapili ang bagong liderato ng kanilang kapalit.

“We may have resigned from our committees, but as legislators, our jobs are far from complete. We will continue to serve as vigilant overseers,” ayon pa kay Binay. Ernie Reyes