Home NATIONWIDE P1.2M tuition ng Chinese students sa Cagayan pinaiimbestigahan sa Kamara

P1.2M tuition ng Chinese students sa Cagayan pinaiimbestigahan sa Kamara

MANILA, Philippines – Hinimok ni ACT-CIS Partylist Rep. Erwin Tulfo ang Kamara na magsagawa ng malalimang imbestigasyon sa mga financial transactions ng mga educational institutions sa Cagayan province sa harap na rin ng nabunyag na nagbabayad ng P1.2 milyon ang bawat Chinese student para lamang makapag-aral sa mga eskwelahan dito.

Sa pagdinig ng House Committee on Justice hinggil sa isyu ng pagdagsa ng Chinese students sa Cagayan province, ibinunyag ni Cagayan Rep. Joseph Lara, na siyang nag-sponsor ng congressional inquiry na inamin mismo sa kanya ng pamunuan ng St. Paul University sa Tuguegarao na ang kada Chinese student ay nagbabayad ng P1.2 million para makapag-aral sa kanilang eskwelahan.

Ikinagulat naman ito ni Tulfo, aniya, nakababahala ito lalo na sa isyu ng seguridad ng bansa.

“The recent revelation that a Chinese student was paying P1.2 million in school fees in the Philippines raises significant national security concerns. This incident underscores the need for rigorous scrutiny of financial transactions within our educational institutions, especially those involving foreign nationals,” pahayag ni Tulfo.

“It prompts an urgent review of our policies to ensure that they do not inadvertently compromise the country’s security and sovereignty. The government must act swiftly to implement measures that safeguard our national interests while maintaining the integrity and accessibility of our educational system,” dagdag pa nito.

Ani Tulfo, mismong sya ay nakasaksi sa dami ng Chinese students sa huli nitong pagpunta sa Tuguegarao.

Bukod sa St. Paul University, dumagsa rin umano ang mga Chinese students sa St. Louis University sa Tuguegarao.

Lumitaw sa pagdinig na nasa 4,600 Chinese students ang naka enroll sa mga paaralan sa Cagayan simula pa noong 2019 at maaaring umabot pa ng mahigit sa 10,000. Gail Mendoza