INDONESIA – Tatlo katao ang nasawi habang marami ang sugatan nang gumuho ang isang gusali kung saan ginaganap ang isang prayer recital sa Java, Indonesia nitong Linggo, Setyembre 7.
Nasa isang daang katao, karamihan ay babae, ang nagtipon-tipon para sa Koran recital sa community hall ng Bogor district, Java upang alalahanin ang kaarawan ni prophet Mohammed nng bigla na lamang bumigay ang gusali.
“According to initial data, 84 people are being treated, three people died,” pahayag ni Mochamad Adam Hamdani, isang opisyal mula sa local disaster mitigation agency.
Aniya, maaaring gumuho ang gusali dahil sa overcrowding.
“Perhaps the structure was not strong, as people were enthusiastic to follow the event to commemorate the prophet’s birthday,” dagdag pa ni Adam.
Agad na dinala sa ospital ang mga biktima bagamat karamihan ay nagtamo ng minor injury. RNT/JGC