Home NATIONWIDE 3 PH airports sasailalim sa privatization- DOTr

3 PH airports sasailalim sa privatization- DOTr

Kasalukuyan nang inililipat ang operasyon and maintenance (O&M) para sa tatlong paliparan sa bansa sa pribadong sektor kung saan ang Department of Transportation (DOTr) ay tumitingin sa pribatisasyon para sa iba pang malalaking proyekto.

Sinabi ni DOTr Secretary Jaime Bautista na ang paglilipat ng O&M para sa Iloilo Airport at Puerto Princesa Airport ay sisimulan na sa lalong madaling panahon.

Kasunod ito ng anunsyo sa 30-taong kontrata ng O&M para itayo at patakbuhin ang P4.5 bilyong Bohol-Panglao International Airport project sa Aboitiz InfraCapital noong Lunes.

Ayon kay Bautista, tinitignan ng DOTr ang paglipat ng O&M para sa Davao Public Transport Modernization Program (DPTMP) at Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) sa pribadong sektor

Nakatanggap aniya ang DOTr ng unsolicited proposal para sa O&M ng MRT-3.

Ayon pa kay Bautista, ang privatization ng MRT-3 ay maaring magdulot ng pagtaas ng rail lines capacity mula 35,000 Hanggang 500,000 pasahero araw-araw .

Idinagdag pa ng opisyal na ang O&M transfer para sa MRT-4 ay makukumpleto sa kalagitnaan ng susunod na taon. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)