
MANILA, Philippines – Naiuwi ng ligtas ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) ang tatlong Filipino nationals na nagpasaklolo sa ahensya dahil sa pambubugbog sa kanila ng ilang Chinese sa isang scam hub sa Cambodia.
Ayon kay NBI Director Jaime Santiago, inalok na maging call center agent ang dalawang 25-anyos na babae at isang 26-anyos na lalaki
subalit ginawa silang mga scammer.






