MANILA, Philippines – Tatlong piraso pa ng hinihinalang buto ng tao ang narekober sa nakuhang black fine net at sako sa Taal Lake sa nagpapatuloy na search and retrieval operasyon ng mga awtoridad, ayon sa Department of Justice (DOJ).
Binubuo ng puwersa ng mga tauhan mula sa Laurel MPS, Philippine Coast Guard, CIDG batangas, Cavite RFU4A, MG Batangas MARPSTA, 2nd BPMFC at RIU4A PIT Batangas ang mga nagsagawa ng nagpapatuloy na operasyon.
Ang mga narekober na piraso ng umano’y buto ng tao ay itinurn-over sa SOCO team na ngayon ay nasa kustodiya ng RFU4A team Cavite at CIDG Batangas para sa tamang documentation at karagdagang imbestigasyon. Jocelyn Tabangcura-Domenden