Home NATIONWIDE 3-POGO linked foreigners, tumulong kay Guo sa abroad: Boss ng lahat ng...

3-POGO linked foreigners, tumulong kay Guo sa abroad: Boss ng lahat ng mga boss

MANILA, Philippines – Tatlong matataas na dayuhang personalidad sa Philippine Offshore Gaming Organization (POGO) ang tumulong sa grupo ni Alice Guo na magtago sa ibang bansa pagkatapos tumakas sa Pilipinas.

Ibinuglar ni Senador Sherwin Gatchalian nitong Huwebes, Setyembre 12 na may ilang POGO-linked foreigners ang tumulong kay dissmissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo nang nagtatago ito sa abroad.

Kinilala ni Gatchalian ang itinuturing na “boss ng mga bosses” sa POGO sina Duanren Wu, Zhang Jie, at Huang Zhiyang.

Ayon kay Gatchalian, sila ang nagbook ng hotel at umayos ng kanilang paglalakbay.

Iginiit pa ni Gatchalian na may ilang Chinese speaking indibiduwal na nasa likod ni Guo nang maaresto ito sa Indonesia.

“So, obviously, ang contact rin ni Guo Hua Ping doon, mga Chinese rin. So yan yung network niya,” ayon kay Gatchalian.

Kasosyo si Wu bilang incorporator ng Whirlwind Corp., na umupa ng ari-arian sa Porac, Pampanga kung saan nakatayo ang Lucky South 99 compound.

“Huang is one of Guo’s co-incorporators in Baofu Land Development which leased the land to the raided POGO firm in Bamban, Tarlac,” Paliwanag pa ni Gatchalian.

Tinukoy din si Huang na isang puganteng Chinese na natuklasang may limang passport sa isang raid sa Clark, Pampanga.

Si Huang ang itinuturing na “boss of all bosses” ng illegal POGOs.

Tumatayong presidente naman si Zhang ng Lucky South 99, isang kompanyang POGO sa Porac.

Sa ginanap na pagdinig, sinabi ni Guo na umalis sila ng Pilipinas sakay ng isang bangka patungong Sabah, Malaysia mula sa Metro Manila.

Tumanggi si Guo na pangalanan ang taong umayos ng kanyang pagtakas pero napilit siya ng ilang na isulat ang pangalan sa isang kapirason papel. Ernie Reyes