Home NATIONWIDE 3 probinsya sa Caraga na sapul ng baha, nakatanggap ng 86K food...

3 probinsya sa Caraga na sapul ng baha, nakatanggap ng 86K food packs

MANILA, Philippines – Nagpadala ng karagdagang 86,979 family food packs ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) 13 (Caraga Region) sa ilang bayan sa tatlong probinsya ng rehiyon na sinalanta ng matinding pagbaha sa nakalipas na dalawang linggo.

Ang food packs ay ibinigay sa local government units sa serye ng paghahatid at distribution activities ngayong linggo ng DSWD-13.

“The augmentations were sent to 12 towns in Agusan del Sur, three in Surigao del Sur, one in Agusan del Norte, and in Butuan City,” batay sa datos mula sa ahensya.

Sa kabuuang deliveries, 68,857 FFPs ay napunta sa 12 bayan sa Agusan del Sur. Ito ay ang Esperanza, La Paz, Loreto, Rosario, San Francisco, Prosperidad, San Luis, Santa Josefa, Talacogon, Trento, Veruela, at Bunawan, na matinding sinalanta ng baha dahil sa malalakas na pag-ulan noong nakaraang linggo.

Ang kabuuang 11,139 FFPs naman ay naipadala sa Surigao del Sur, partikular sa mga bayan ng Barobo, Hinatuan at Lingig.

Sinabi rin ng ahensya na nakapagpadala na sila ng 1,498 FFPs sa Las Nieves, Agusan del Norte at 5,485 FFPs sa Butuan City.

Binaha ang dalawang bayan dahil sa pag-apaw ng Agusan River. RNT/JGC

Previous articleChinese national natagpuang patay sa Binondo
Next articleMga biktima ng landslide sa Davao, binisita ni VP Sara