Home METRO Chinese national natagpuang patay sa Binondo

Chinese national natagpuang patay sa Binondo

MANILA, Philippines – Patay nang matagpuan ang isang Chinese national sa loob ng kanyang condominium sa gitna ng pagdiriwang ng Chinese New Year sa Ongpin St., Binondo, Maynila.

Kinilala ang biktima na si Zeng Ling, alyas “Tarzan”, 37 anyos, manager ng Facana Company at residente ng Unit 22-C Strata Gold Condominium sa Ongpin St, sa naturang lugar.

Napag-alaman na dumaranas ng problema sa kalusugan ang biktima simula pa noong Enero 2024.

Bago madiskubre ang bangkay ng biktima, nagtungo ang kanyang katrabaho sa kanyang unit kaya nadiskubre na wala na siyang buhay.

Agad ipinagbigay-alam sa security guard ng condo ang natuklasan upang maimbestigahan ng pulisya. Jocelyn Tabangcura-Domenden