Home NATIONWIDE Secession may ‘di magandang epekto sa mga taga-Mindanao – NEDA official

Secession may ‘di magandang epekto sa mga taga-Mindanao – NEDA official

MANILA, Philippines – Posibleng magdusa ang mga taga-Mindanao sa planong paghihiwalay ng Mindanao mula sa kabuuan ng Pilipinas, sinabi ng opisyal mula sa National Economic and Development Authority (NEDA) nitong Sabado, Pebrero 10.

Matatandaan na pinalutang ni dating Pangulong Rodrigo Duterte at Davao del Norte 1st District Rep. Pantaleon Alvarez ang ideya ng kalayaan ng Mindanao.

Ayon kay NEDA Undersecretary Rosemarie Edillon, nakaasa lamang ang Mindanao sa monetary at technical assistance mula sa pamahalaan.

“More than the economic cost, it is actually the social cost,” sinabi ni Edillon sa isang press conference.

“Yung mga taga-Mindanao din, parang talking about cost of doing business, madadagdagan yung cost of doing business nila,” dagdag pa ng opisyal.

“We dont want a situation na kapag pupunta tayo sa Mindanao, we need a visa or a passport.”

Nag-aambag ang Mindanao sa 16% ng gross domestic product ng Pilipinas at mahigit 30% sa agricultural sector.

Bagama’t ang Mindanao ay isang “agricultural basket,” kailangan pa rin umano nito na maka-catch up pagdating sa welfare at development dahil ilang taon din itong napabayaan, ani Edillon, sabay-sabing karamihan sa poorest areas sa bansa ay matatagpuan sa Mindanao.

“They’ve also been reaching out to us para sa development planning. Nandoon yung willingness nila to learn, acceptance na kailangan pa nila matuto,” dagdag pa niya.

“Nandoon din yung recognition nila na, ‘Ito din yung kailangan namin para tumaas ang well-being,’” pagpapatuloy ng NEDA official. RNT/JGC