Home NATIONWIDE Panukala para sa pagpapalakas ng NHA at propesyon ng midwifery umusad na...

Panukala para sa pagpapalakas ng NHA at propesyon ng midwifery umusad na sa Kamara

MANILA, Philippines – Pasado na sa ikalawang pagbasa sa House of Representatives ang House Bill 10172 o National Housing Authority (NHA) Act.

Sa ilalim ng panukala ay palalawigin ang corporate term ng NHA ng karagdagang 25 taon.

“The extension of the corporate charter of the NHA to another period of 25 years is a crucial step towards fulfilling our obligation to provide decent and affordable housing for every Filipino family,” ayon kay Quezon City Rep. Ralph Wendel Tulfo.

Ayon kay House Committee on Housing and Urban Development chairperson at Negros Occidental Rep. Francisco Benitez, ang HB 10172 ay pinagsama-samang walong panukala, kabilang ang HB 8156 na inihain nina Speaker Romualdez at Senior Deputy Majority Leader Alexander Ferdinand Marcos.

Si Tulfo ang committee vice chairperson na siya ring nanguna sa Technical Working Group, na nagsama-sama sa lahat ng may kaugnayang inisyatiba upang mapalakas ang NHA Act.

Samantala, pasado na rin sa ikalawang pagbasa sa Kamara ang HB 10079, o “Philippine Midwifery Act.”

Layon ng panukala na patatagin ang regulasyon at professional practice ng midwifery sa bansa.

Kapag naisabatas, ipapawalang-bisa ng HB 10079 ang mga Republic Acts 2644, o “Philippine Midwifery Law,” at 7392 o “Philippine Midwifery Act of 1992.” Gail Mendoza