MANILA, Philippines – Tiniyak ni Senador Grace Poe na kanyang pagsusumikapan na maipasa ang panukalang batas sa paglikha ng Department of Water Resources (DWR) bago ang adjournment ng 19th Congress s 2025.
Isinagawa ni Poe ang pagtiyak sa unang pagdinig ng Senate Committee on Public Services sa panukala.
“We are about to go on a break before the SONA (state of the nation address), I think it’s unrealistic to say that we will pass it then, sa dami ng problema (with a lot of other problems), but we will endeavor to pass it definitely by this Congress because we have to, this is crucial,” aniya.
“I am glad that this administration finally, has set as its priority the creation of this department,” giit ng senador.
Pangunahin ang panukala ang paglikha ng Department of Water Resources ng administrasyon.
Sinabi ni Poe na bantulot siya sa paglikha ng kagawaran ngunit naniniwala siyang krusyal ang pangangailangan na magkaroon ng sentralisadong focus ang pambansang pamahalaan sa pamamahala ng tubig dahil hindi kakapusan ng yaman ang sanhi ng krisis sa suplay kundi kawalan ng regulasyon at epektibong pangasiwaan.
Sa paglikha ng DWR, sinabi nniya na magkaroon ang pambansang pamahalaan ng epektibong pamamahala sa 421 river basins; 59 natural lakes; 100,000 ektarya ng freshwater swamps; 50,000 square km. ng groundwater reservoir; at 2,400 millimeters ng average rainfall sa buong taon.” Ernie Reyes