Home METRO Rider pumailalim sa armored car, utas

Rider pumailalim sa armored car, utas

2
0

MANILA, Philippines – Patay ang isang motorcycle rider nang mag-slide at pumailalim sa isang armored truck umaga ng Biyernes.

Dead on the spot ang biktima na kinilalang si Joevanni Otic, nasa hustong gulang at nakatira sa Ermita, Maynila.

Sa imbestigasyon ng Manila Police District-Traffic Bureau, nangyari ang insidente sa kahabaan ng westbound lane ng Nakpil Street kanto ng San Marcelino Street, Malate alas 5:05 ng umaga.

Iniimbestigahan na rin ang driver ng armored car na si Elizaldo Garbo, 38 anyos, mula Cardona, Rizal na posibleng maharap sa kasong Vehicular Accident resulting in Homicide and Damage to Property.

Napag-alaman na binabaybay ng armored car ang westbound lane ng Nakpil habang binabaybay naman ng biktima ang southbound lane ng nasabing lugar nang madulas at mag-slide ang minamanehong motorsiklo.

Dahil sa pagkakadulas, pumailalim ang biktima sa kasalubong na armored car na nagresulta ng kanyang agarang pagkamatay bunsod ng matinding pinsala sa ulo sa sa ibat-ibang parte ng kanyang katawan.

Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here