MANILA, Philippines – Pinayuhan ni Palace Press Officer Claire Castro si Vice President Sara Duterte na tigilan ang pagpapanggap matapos nitong sabihin na wala siyang balak agawin ang posisyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr..
Ayon kay Castro, mismong si Duterte ang nagsabi sa isang talumpati sa Netherlands noong Hulyo 19, 2025 na nais nilang mapatalsik sa puwesto si Marcos.
“She has long wanted the President removed from office, and she said so herself in a speech in the Netherlands on July 19, 2025, when she stated, ‘All of us want BBM removed from office.”
“She cannot deny having said it. Stop being fake and pretending to be nice.”
Iginiit din ni Castro na kung talagang wala umanong balak si Duterte na palitan ang Pangulo, dapat nitong pigilan ang mga kaalyado nitong umano’y nagdudulot ng kaguluhan laban sa administrasyon.
“If she truly does not want it, she should be the one stopping her allies from sowing chaos.”
Nauna rito, sinabi ni Duterte sa isang panayam sa Davao City noong Araw ng Kalayaan na wala siyang interes na kunin ang posisyon ni Marcos at mas gusto niyang makita ng publiko hanggang dulo kung gaano umano ito “walang hiya.”
Bilang tugon, sinabi ni Castro na si Duterte umano ang kulang sa pagdadala ng sarili at wastong asal.
“When the Vice President is not reading from a script, she lacks decorum. Her true character comes out,” she said.
Dagdag pa niya, ang salitang “walang hiya” ay mas angkop umano sa mga taong sangkot sa pagpatay, pag-upa ng mamamatay-tao, o pagpapakalat ng maling impormasyon.
Patuloy ang palitan ng maaanghang na pahayag sa pagitan ng kampo ng administrasyon at ni Duterte habang umiinit ang usaping pulitikal sa bansa. RNT/MND