Home HEALTH 97% Pilipino kulang sa calcium; osteoporosis ibinabala!

97% Pilipino kulang sa calcium; osteoporosis ibinabala!

MANILA, Philippines – Humigit-kumulang 97.2% ng mga Pilipinong nasa edad 19 hanggang 59 taong gulang at 95.5% ng mga nasa edad 60 pataas ay kulang sa calcium, ayon sa Food and Nutrition Research Institute (DOST-NRFI) 2021 Expanded National Nutrition Survey (ENNIS) ng Department of Science and Technology.

Isang katotohanan na ikinababahala ngga eksperto ng DOST ang banta ng osteoporosis na nagbabadya sa karamihan ng mga Pilipino dahil kulang sa calcium.

Ayon kay DOST-NRFI senior science research specialist Josie Gonzales, ang kakulangan sa calcium ay nagdudulot ng paghina ng mga buto.

“Kung calcium deficient po tayo, ang problema po magiging brittle o magiging malutong ang ating mga buto kaya madali po tayong mababalian,” sabi ni Gonzales.

Sinabi ni Gonzales na maraming alternatibo na available at mapagkukunan ng calcium hindi lamang ang gatas kundi maging ang malunggay, kangkong, camote tops, at iba pang leafy greens,gayundin ang mga malilit na isda as tulad ng dilis at sardinas na , na angkop para sa mga may lactose intolerance.

Bukod sa pagkonsumo ng mga pagkaing mayaman sa calcium, dapat ding ugaliing magpabilad sa araw upang matulungan ang katawan na sumipsip ng calcium. Ang pagkain ng balanseng diyeta at pag-iwas sa paninigarilyo ay susi din.

Ayon pa kay Gonzales, ang sobrang caffeine para naman sa mahiihikig sa kapwv ay maaaring makaapekto sa paraan ng pagsipsip ng calcium ng katawan.

Ayon pa sa WebMD, ang mga tao na may osteoporosis ay hindi dapat uminom ng higit sa 3 tasa ng kape kada araw. Jocelyn Tabangcura-Domenden