Home NATIONWIDE Mga biktima ng landslide sa Davao, binisita ni VP Sara

Mga biktima ng landslide sa Davao, binisita ni VP Sara

MANILA, Philippines – Binisita ni Vice President Sara Duterte ang mga biktima ng landslide sa Davao de Oro.

Unang binisita ni Duterte ang Barangay Masara sa Maco kung saan nakiramay siya sa mga biktima ng landslide.

Sunod niyang binisita ang mga pamilya na tumutuloy sa Nuevo Iloco Elementary School sa Mawab na apektado rin ng landslide.

Dagdag pa, pinuntahan din ng Bise Presidente ang mga evacuees at apektado ng landslide sa Mawab upang masiguro na nasa maayos silang kondisyon at mayroong pansamantalang matutuluyan.

“With the local government officials, we spoke with the affected families and assured them that our office is their partner in providing for their needs,” ani Duterte.

Iginiit niya ang kahalagahan ng preparasyon at proactive measures, katulad ng preemptive evacuation kung ang lugar ay tinukoy na hazard-prone.

Samantala, nagsagawa ng aerial survey ang mga tauhan ng Office of the Civil Defense (OCD) at Mines and Geosciences Bureau (MGB) sa Maco. RNT/JGC