MANILA, Philippines- Nasa tatlong pulis sa Davao Oriental ang nagpositibo sa paggamit ng ilegal na droga sa random drug test.
Ayon sa Police Regional Office-Davao (PRO-11), ang mga pulis na ito ay may raggong staff sergeant, corporal, at patrolman na naka-assign sa Provincial Intelligence Unit at Provincial Mobile Force Company.
Alinsunod sa polisiya, isinailalim ang tatlo sa restrictive custody at maaaring maharap sa administrative charges.
“This is a reminder that internal cleansing is a shared responsibility. Our goal is not just to detect violations, but to help our personnel stay on the right track. We continue to uphold the highest standards of service while also providing opportunities for growth within our ranks,” pahayag ng PRO-11. RNT/SA