Home NATIONWIDE 3 pumugang detainees sa piitan sa Rizal, tinutugis na

3 pumugang detainees sa piitan sa Rizal, tinutugis na

173
0

MANILA, Philippines – Naglunsad ng manhunt operation ang mga awtoridad laban sa tatlong detainees na pumuga mula sa Fishport Custodial Taytay Facility sa Rizal sa kasagsagan ng masamang panahon nitong Martes ng umaga, Setyembre 3.

Kinilala ng Taytay Municipal Police Station (MPS) ang tatlong tumakas na sina Danny Boy Cancino at Ronald Barrera, kapwa nahaharap sa mga reklamong may kaugnayan sa illegal na droga, at Kurt Cavasal, na nahaharap sa reklamong illegal possession of firearms.

Sa inisyal na ulat, nadiskubre ng prison guard ang pagtakas sa pasilidad na matatagpuan sa Samagta Floodway, Barangay San Juan bandang 4:45 ng umaga.

Kasabay ng masamang panahon, sinira ng mga tumakas ang metal frame ng kusina ng pasilidad at saka nakatakas.

Nag-alok na ang Taytay MPS ng reward na P10,000 sa bawat mga tumakas kapalit ng impormasyon sa ikaaaresto ng mga ito. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here