Home NATIONWIDE Enteng walang sinirang paliparan – CAAP

Enteng walang sinirang paliparan – CAAP

MANILA, Philippines – Sinabi ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) nitong Martes, Setyembre 3, na walang naitalang pinsala sa mga paliparan sa bansa sa pananalasa ng Tropical Storm Enteng.

“Airports operated by the Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) remain operational and have reported no damage amid the onslaught of Typhoon Enteng in the country,” saad sa pahayag ng CAAP.

Sa kabila nito, maraming mga flight ang nakansela dahil sa bagyo.

“The CAAP Operations Center recorded 38 domestic flight cancellations at various airports due to inclement weather caused by Typhoon Enteng yesterday,” ayon sa CAAP.

“Passengers are advised to confirm their flight schedules with their respective airlines and arrive at the airport at least two hours prior to their scheduled departure,” dagdag pa.

Iginiit ng CAAP na sa kanilang memorandum, ipinagbabawal na lumipad ang eroplano na may maximum certificated takeoff weight na 5,700 kg o mas mababa pa sa ilalim ng Tropical Cyclone Wind Signal number 1. RNT/JGC