Manila, Philippines- Diretso ang title ng pelikulang pino-promote ngayon ng Vivamax, ang Fbuddies.
Ang direktor na si Sid Pascua mismo ang nagkumpirma na ang ‘F’ sa title ay ang pakikipagtalik ang ibig sabihin.
Dahil dito ay isa-isa tuloy natanong ang cast kung nagkaroon na ba sila ng real life fbuddy at kung ano ang pananaw nila rito.
Si Candy Veloso na isa sa nga bida ay lakas loob na umaming nagkaroon na siya ng fbuddy noon.
“Na-experience ko na ang magkaroon ng fbuddy pero hindi na mahalaga ang bagay na ‘yon. Hindi na rin importante kung sino ‘yung nakapartner ko na ‘yun.
“Ang importante is ‘yung lesson na naturunan ko sa experience ko na ‘yon.
“I can say na ayoko na maulit ‘yung ganu’ng experience but then, ayoko ring magsalita nang tapos,” diretsong pag-amin ni Candy.
Kasama rin sa pelikula ang writer-actress na si Quinn Carillo na umaming nagkaroon na ng experience sa pagkakaroon ng fbuddy, at si Denise Esteban na nagsabi namang wala pa siya ganu’ng experience.
Leading men naman ng dalawang sex siren sina Calvin Reyes at Mon Mendoza.
Streaming na ang pelikula ngayong September 3 sa Vivamax. JP Ignacio