Home ENTERTAINMENT Gerald, nanawagan sa mga nabiktima ni Tan!

Gerald, nanawagan sa mga nabiktima ni Tan!

Manila, Philippines- Kapag langit ang humatol.

Also the title of a Vilma Santos’ 90s film, this encapsulates what appears to be the premature legal victory of 29-year-old singer Gerald Santos his quest for justice against then-Pinoy Pop Superstar Danny Tan who allegedly abused him in 2005.

Sa ngayon daw, nasa proseso ng case buildup ang kampo niya with Atty. Noel Malaya as his lrgal counsel.

Bukod dito’y ang ipinangakong legal assistance at proteksyon ni Senator Jinggoy Estrada.

At presstime, however, inaaral pa muna ng abogado ng singer kung child abuse ba o rape ang kaaong dapat isampa laban kay Tan.

As regards rape, kailangan daw kasing magkaroon ng “penetration” lalo pa’t parehong lalaki ang sangkot.

Kung matatandaan, Gerald dodged Estrada’s question at the Senate hearing if there was penetration.

One thing’s for sure, Gerald can now heave a sigh of relief.

As it obviously appears, he has a winning case up his sleeve–this after he claimed to have received calls from Tan’s other alleged victims “na mas bata pa kesa sa akin!”

While he’s in no position to speak for them, pinandidigan ni Gerald ang kanyang panawagan: “‘Yung mga nagtatago sa dilim, lumabas na kayo! Now is the time para wakasan na ang kasamaan ng taong ‘yon. Hindi ko pa man napapanagot si Mr. Danny Tan, ang langit na po ang gumawa ng paraan!” Ronnie Carrasco III